Doc RJ at Lyneth, bantay-sarado nina Michael at Moira!
Sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, tila patindi nang patindi ang paghihinala ni Moira (Pinky Amador) sa kaniyang asawang si Doc RJ (Richard Yap).
Samantala, ang kaibigan at manliligaw naman ni Lyneth (Carmina Villarroel) na si Michael (Dominic Ochoa), todo effort sa pagbabantay sa mag-inang Lyneth at Analyn (Jillian Ward).
Kapansin-pansin na tila hindi pwedeng mawala sa paningin nina Moira at Michael ang kani-kanilang mga iniibig na sina Doc RJ at Lyneth.
Dahil hindi mapakali, sinundan ni Moira ang kaniyang asawa sa kanilang resort at umeksena pa ito sa mismong outing ng Team APEX, kung saan naabutan niya roon ang dati niyang empleyado na si Lyneth.
Kahit alam niyang magagalit ang kaniyang asawa, nag-stay pa rin si Moira sa resort at nagpatuloy sa pagbabantay kay Doc RJ.
Dahil si Lyneth ang plus one ni Analyn sa outing, hindi maiwasan ni Doc RJ na lapitan ito at kausapin nang palihim.
Habang nage-enjoy ang lahat sa outing, bigla namang sumunod sa resort si Michael at kinompronta si Doc RJ.
Panoorin ang mga eksenang ito:
Matatapos pa kaya ang mga komplikadong sitwasyon?
Kailan kaya aaminin ni Doc RJ kay Moira na si Lyneth at si Tisay ay iisa?
Kaya pa bang ilihim ni Michael ang lahat ng kaniyang mga nalalaman?
Abangan ang mga kasagutan sa susunod na episodes ng naturang hit drama series, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
Samantala, narito ang ilang pasilip sa episode na mapapanood mamaya:
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA:
Abot Kamay Na Pangarap