Rosanna Roces and partner Blessy Arias celebrate 6th wedding anniversary

Rosanna Roces and partner Blessy Arias celebrate 6th wedding anniversary

Anim na taon nang kasal sina Rosanna Roces at ang partner niyang si Blessy Arias at very sweet ang naging mensahe ni Osang sa asawa sa kanilang pagdiriwang nila ng 6th wedding anniversary.

Ani Osang, “Happy 6th Wedding Anniversary Mahal ko! Kahit anong mangyari ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko.”

Ayon pa sa award-winning actress at dating FPJ’s Ang Probinsyano star ay kay Blessy niya raw nahanap ang tunay na kasiyahan at kapayapaan sa buhay.

“Sa ‘yo ko nakita ang KASIYAHAN at KAPAYAPAAN ng puso ko na matagal kong hinanap kung kani-kanino.

“Ikaw ang Kanan sa Tsinelas ko…. ang nagsisilbing Takip sa aking kaldero… at ikaw ang Kalahati ng Pagkatao ko.

“Wala na akong mahihiling pa sa Diyos. Ibinigay Niya na lahat ng laman ng mga dasal ko,” mensahe ng aktres sa kanyang partner.

Bumuhos naman ang congrulatory messages para sa dalawa sa mismong Facebook account ni Rosanna. Lahat sila ay iisa ang hiling—na sana raw ay tumagal pa at mas maging tumatag ang kanilang pagsasama.

Matatandaang ikinasal sina Rosanna at Blessy noong December 10, 2016. The wedding was officiated by Reverend Crescencio Agbayani of the LGBTS Christian Church at ginanap sa Alexa’s Secret Garden in Antipolo City.

Dinaluhan ito ng ilang kaibigan ni Rosanna sa industriya tulad ni Nora Aunor na isa sa tumayong principal sponsor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *