Nico Antonio gets big break in Disney+ original series ‘Big Bet’

Nico Antonio gets big break in Disney+ original series ‘Big Bet’

Nico Antonio reveals he auditioned for ‘Squid Game’.

Ang Disney+ original series na Big Bet ang pinakamalaking acting break to date ni Nico Antonio matapos ang kanyang 19 taon sa showbiz. Nagsimula si Nico bilang talent sa Panday na pinagbibidahan ni Jericho Rosales at patuloy na gumanap ng iba’t-ibang papel sa telebisyon at maging sa mainstream at independent cinemas.

Sa Big Bet na mapapanood sa Disney+ simula sa December 21 ay makakasamama ni Nico ang mga beteranong Korean actors na sina Choi Min-Sik (Oldboy), Son Suk-ku (The Outlaws 2), Lee Dong-hwi (The Extreme Job), Heo Sung-tae (Squid Game) at Kim Joo-ryung (Squid Game).

Major support ang role ni Nico sa Big Bet dahil siya ang gaganap na CIDG operative na naatasang mag-imbestiga sa mga nangyayaring pagpatay sa mga Koreano sa Pilipinas na kinasasangkutan ng casino king named Cha Mu-Sik ( played by Choi Min-Sik).

Ayon kay Nico, dumaan siya sa audition bago niya nakuha ang role ni Mark Flores sa Big Bet.

“Nag-audition po ako. Pina-memorize po ako ng line tapos after memorizing the line, I was asked to do an acting piece. I was not informed that I needed an acting piece, so I ask for a few seconds to prepare.

“Ginawa ko yung isang eksena ko sa Big Night with Sir John Arcilla at sabi nila, ‘That’s good but I need you to do something more serious.’ So sabi ko, can you give me more time, I’ll just look for something on YouTube. Nakita ko yung movie namin do’n ni JM de Guzman na Tandem tapos naisip kong gawin yung eksena namin ni JM nung nabaril niya ako.

“Tinanong nila kung ready na ako, sabi ko oo. ‘Put**g ina!’ sabi kong ganyan. Yung mga tao nagulat silang lahat at natahimik kasi sobrang lakas nung pagkakasabi ko nung word na yon. Tapos mata na lang, tapos sinabi na ‘we’ll call you back.’ Tapos yon, I had a call back and a week after that gusto nang makipagkita sa akin ng direktor and then the rest is history,” kuwento ni Nico kung paano siya nag-audition.

Pangalawang audition na rin daw niya ito para sa isang Korean project dahil nag-audition din daw siya noon sa Squid Game kaya nga lang ay hindi siya nakuha.

“Wala rin akong idea kung ano yung pinag-a-auditionan ko until I had a callback dito and yon na, it was no other than the director Kang Yoon-sun met with me and explained to me the role. Doon ko din na-realize na imoirtante pala yung role na in-audition ko,” patuloy na kuwento ng aktor.

Eh, ano ba ang naging reaksyon niya nung nakatanggap siya ng call back na kasama na siya sa cast ng Big Bet?

“Hindi po ako makapaniwala,” sagot ni Nico. “Kasi alam niyo yung pakiramdam na nakuha ka pero there’s a chance na baka masilat pa rin sa ‘yo.

“I mean nangyayari yan sa industriya natin so yung utak ko nakuha ako pero ayoko pa siyang kapitan kasi baka ma-disappoint ako,” saad pa niya.

Nang tanungin tungkol sa kanyang experience working with the Korean productions, ani Nico isa raw itong “challenging yet fulfilling” lalo na kung isa kang Pinoy actor na nakakatrabaho ang ilan sa pinaka-professional na mga aktor at pinaka-experienced na production crew.

“You have to be on your toes always. Yung mga aktor na katrabaho ko lahat sila ready pagdating sa set. Modesty aside, hindi naman tayo napahiya. Naitayo naman natin ang bandera ng Pilipinas,” pagmamalaki ng magaling na aktor.

Maging ang direktor ng Big Bet na si Kang Yoon-sung ay masaya rin sa naging performance ni Nico at ng iba pang aktor na kasama rin sa series.

Aniya, “I’m very happy to work with Filipino actors and staff for three months. I couldn’t make this series without their dedications. Nico definitely did well. I cold imagine who Mark was when Nico first olayed his role in shooting. He is an amazing actor.”

Lingid sa kaalaman ng marami, si Nico ay nag-aral ng Law sa San Beda College at San Sebastian College at nakapagtapos ng AB European Studies sa Ateneo de Manila University.

“Minsan ko nang pinag-isipan noon kung law o acting ba ang ipu-pursue ko pero acting talaga ang sinisigaw ng puso ko, eh,” sabi ni Nico.

Samantala, isa sa pinakatumatak niyang role sa teleserye ay ang karakter ni Tolayts sa top rating ABS-CBN series na On The Wings of Love. Huling pelikulang ginawa naman niya ay ang Big Night kasama si Christian Bables.

Very soon ay mapapanood din si Nico sa Kapamiya Pinoy action hero series na Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *