Carla Humphries, iniwan ang showbiz noon para sa isang musician; kasamang nakatira ngayon si Wil Dasovich
Nasa Nice, France ngayon sina Wil Dasovich at Carla Humphries.
Magkakasamang maninirahan sina Wil Dasovich at Carla Humphries sa Villefranchehe-Sur-Mer sa Nice, France.
Sinorpresa noong nakaraang linggo ni Wil si Carla sa France.
Si Carla ay may American at Italian ancestry ngunit sa bansang France lumaki ang ama nito. Nauna na ring tinour ng dalawa ang family hometown ni Carla sa naturang bansa.
Bagama’t bahagi ng France ang Nice, minsan din itong naging parte ng Italy.
Pagbabahagi ni Carla, na-in love siya noon sa isang musician habang binibisita ang kanyang lola sa France. Ito umano ang dahilan kung bakit iniwan niya ang showbiz.
“There was a time I fell in love with Nice. I was visiting my grandmother and I fell in love with a musician. I gave up my career for a moment in Manila. And I had decided to come out here. He wanted me to make music and paint and just like be creative out here and that was the very first time I fell in love,” aniya.
Ngunit naghiwalay na rin sila sa kalaunan kaya naman ang lugar na ito ang naging kanlungan niya.
“It didn’t really work out. It was a major life heartbreak. And I would come here because I was contemplating leaving him and what I would do if I go back to the Philippines if I would go to the States. It was a place of solitude and sanctuary for me,” saad ni Carla.
Sa pinakabagong vlog nina Wil at Carla, ipinasilip nila ang titirhan nilang bahay habang nasa Nice, France sila. Kasama din nila ang kapwa vlogger at aktor na si Daniel Marsh.
“Nandito na tayo sa Europa ng isang buwan. And kung curious kayo kung saan kami nakatira, pupunta kami sa anim na bansa sa isang buwan. Magsisimula tayo sa pinakamasayang adventure dito sa Nice, France,” ani Wil.
“It’s just so pretty. Even like the city, we’re like literally right in front of the church. It’s so nice — the light that comes in is good,” saad ni Carla.
“Para sa akin cozy ‘to. I can easily live here. This is more than enough for me,” ani Wil. “It’s really homey, it’s simple, it’s minimalist. All I need is a kitchen where I can cook, you know — a bed where I can sleep. Napakaganda ‘yung location dito kasi we’re right on the beach. So, we’re literally on the French Riviera.”
Bagama’t na-meet na rin ni Carla ang mga magulang ni Wil, walang kumpirmasyon tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Wil at Carla ngunit ilang buwan na rin silang lumalabas magkasama.