Jake Cuenca: ‘Wala pa ako sa mood magka-girlfriend’

Jake Cuenca: ‘Wala pa ako sa mood magka-girlfriend’

Jake Cuenca wants to remain single for now.

Kakaibang Jake Cuenca ang mapapanood sa Metro Manila Film Festival movie na My Father, Myself na mula sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan. Nakatulong din daw ng malaki sa kanya ang pinagdaanan noong panahon ng pandemya including his breakup with Kylie Verzosa para lumabas ang mga kinakailangang emosyon sa bawat eksena sa pelikula.

“I think it’s not just the breakup. Maraming nangyari na matu-trauma ka—kapag pinagbabaril ka ng mga pulis, iyan ang una,” ani Jake na ang tinutukoy ay ang kinasangkutang car chase noong madaling-araw ng October 9, 2021.

“Siyempre nung pandemya rin, ayoko namang i-elaborate na I will solely say it’s because of my love life, kasi it’s not. Siyempre, may mga family members ako, immediate family members, who passed away because of COVID, my lola, my Tito Manoling (Morato), a lot of things.

“And siyempre, the breakup was just another factor of the many things that affected me. Parang nagsabay-sabay. Pero you know, not because I cry, or because I am emotional doesn’t mean I’m going to give up. I’m pushing forward and I’m not giving up,” pahayag ng aktor.

Hindi naman nagbigay ng detalye ang Kapamilya actor sa mga leksyon na kanyang natutunan sa nangyari.

“Marami akong lessons na natutunan, pero siyempre sa akin na lang yon. Yung relationship namin noon ay sa aming dalawa lang.

“Pero kung mayroon man akong big takeaway, kung mayroon man akong puwedeng baguhin sa mga nangyari, siguro wala akong babaguhin. Ganu’n talaga ako magmahal, sagad.

“Inuubos ko ang sarili ko para sa isang tao, and hindi ako nagsisisi in the end. Magsisisi ka kasi malungkot, nakakalungkot, wala na yung tao. Pero sa kaloob-looban ko, alam ko na ibinigay ko ang lahat. I know I gave my best,” katwiran ni Jake.

Inamin din ni Jake na hindi niya priority ngayon ang magkaroon ng bagong girlfriend.

“Kumbaga, hindi ako gutom na maghanap ng bagong girlfriend, or maghanap ng pagmamahal. Ngayon, gusto ko lang isukli sa tao lahat ng pagmamahal na ibinibigay nila sa akin—my family, my fans, kayo, my directors and my producers who believe in me,” saad pa niya.

“Magkaka-girlfriend din naman ako. Pero isa sa natutunan ko these past six months na lumipas, a very valuable thing na natutunan ko is to be happy being alone. To learn to be self-sufficient, to learn to make yourself happy.

“Mali na gawin kong responsibilidad ng ibang tao ang happiness ko. Kailangan sa akin manggaling yon, eh. Even my mom says that to me, kailangan manggaling sa iyo,” pagdidiin ni Jake.

“To be honest, wala pa ako sa mood magka-girlfriend. Nandu’n ako sa gusto kong bumawi sa pamilya ko. Gusto kong mag-provide, gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan.

“Gusto kong papasukin ang kapatid ko sa eskuwelahan na gusto niyang pasukin. Gusto kong sustentuhan ang pamilya ko kung kailangan nila ng pera. Nandu’n ako.

“Kasi, itong experience na ito, totoo naman yung assessment mo na this has been one of the hardest things that I have to go through in my entire life. But I made it through. Heto na ako ngayon, and I’m at my best, and pinepresenta ko sa inyo ang sarili ko mainly because of my family na talagang pinulot nila ako sa sahig,” huling pahayag ng aktor.

Samantala, kasama ni Jake sa My Father, Myself sina Sean de Guzman, Tiffany Grey, at Dimples Romana. Mapapanood ang pelikula sa mga sinehan simula December 25, 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *