New P-Pop group Blvck Ace gagawing inspirasyon ang mga hugot sa buhay

New P-Pop group Blvck Ace gagawing inspirasyon ang mga hugot sa buhay

Bagong P-Pop group Blvck Ace, proud sa kanilang novelty song ‘Pasahero’.

Isa na namang all-girl P-Pop group ang gumagawa ng marka sa entertainment business. Ang tawag sa kanila ay Blvck Ace at dala nila ang kani-kanilang makabagbag-damdaming kuwento sa buhay para magsilbing inspirasyon sa gusto nilang marating.

Sa video na ipinalabas during the media launch ay nagkaiyakan pa ang mga miyembro ng Blvck Ace habang inaalala kung ano ang kanilang mga pinagdaanan. Ibig sabihin, bukod sa taglay nilang galing sa pagsayaw at pagkanta, tututukan rin ng fans ang mga hugot nila sa kanilang journey to stardom.

Sa ginanap na mediacon ay nagpakitang gilas din ang Blvck Ace na kinabibilangan nina Rhen, Jea, Ely, Anasity at Twinkle.

Hindi lang sa P-pop naka-concentrate ang Blvck Ace kundi maging sa novelty at OPM songs din tulad ng kanilang debut single na “Pasahero”. Sigurado raw na maraming makaka-relate sa kanilang kanta dahil wala namang kinikilalang market ang novelty tunes.

At dahil novelty ang kanilang unang single na “Pasahero” kaya hindi maiwasang maikumpara sila sa SexBomb Dancers.

“Narinig n’yo naman kanina sa ‘Pasahero’, kahit sino dito talagang ma-e-LSS na. Ang market namin is pangkalahatan. Wala tayong pinipiling market dito. Yung novelty songs, maipakita namin,” paliwanag ng manager ng grupo.

Sinang-ayunan naman ito ng isa sa membes ng Blvck Ace at sinabing, “Sa novelty songs, mare-reach po yung ating target audience: hindi lang pang-teenagers, but also pang-bata and pang-matanda.”

Happy naman ang Blvck Ace na inihalintulad sila sa SexBomb Dancers.

“Actually, nakakatuwa nga po kasi parang binubuhay namin yung SexBomb Girls na nawala na, pero dahil sa amin mabibigyang buhay ulit. Ginagawa po namin silang inspirasyon,” wika ng isang member ng grupo.

“Talented po kaming lahat, mapa-dance, sing o acting, lahat po,” pagmamalaki pa nila.

Bilang paghahanda ay sumabak sa rigid trainings for more than three months ang Blvck Ace. Aminado ang lima na talagang nahirapan sila sa training pero hindi raw nila ito sinukuan para ma-enhance at ma-develop ang kanilang talents.

“Alam po namin na hindi naman talaga madaling mag-succeed and willing po kaming mag-sacrifice. Gusto naming ipakita na hindi lang kami basta P-Pop group kaya sobrang sineryoso din namin yung training,” reaksyon ng lima.

Ang Blvck Ace ay nasa pangangalaga ng Blvck Entertainment na pag-aari ng mag-asawang negosyante na sina Engr. Louie at Grace Cristobal. Ayon kay Grace, ang Blvck Ace ay mula sa pinagsamang pangalan ng kanilang kumpanya (Blvck) at ng pangalan niya (Ace).

“’Kapag sinabi nating Ace, siya yung alas natin, so yon ang naisip naming ipangalan sa kanila. Kumbaga, palaban at walang inuurungan,” paliwanag ng manager ng bagong grupo.

Marami pang mga nakalinyang proyekto ang Blvck Entertainment gaya ng concerts, live events, film, at iba pa, na dapat abangan ng publiko sa 2023.

Available na ang Pasahero sa Spotify, Apple Music, iTunes, Amazon, Geezer, Medianet, Boomplay, YouTube at iba pang music streaming platforms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *