Ai-Ai delas Alas inalala ang naging ‘encounter’ kay Jovit Baldivino
Dating judge si Ai-Ai delas Alas sa ‘Pilipinas Got Talent’ kung saan unang sumikat si Jovit Baldivino.
Inalala ni Comedy Concert Queen Ai-Ai delas Alas ang “encounter” niya sa yumaong Pilipinas Got Talent grand champion na si Jovit Baldivino nung panahong judge pa siya ng PGT.
“Umiyak ako noon kasi magsu-siomai siya. Nung sinabi niya na nagtitinda po ako ng siomai, umiyak ako. Naawa ako sa kanya,” kuwento sa PUSH ni Ai-Ai sa isang interview.
“Kasi si Jovit parang ang liit-liit, na parang ang payat-payat. Tapos sabi nga niya nagtitinda po ako ng siomai, naiyak talaga ako sa kanya.
“Kasi alam mo yung naramdaman ko sa kanya nea you’re so blessed kasi kahit mahirap ka hayop ang boses. Parang lahat binuhos ng Panginoon yung galing sa kanya.
“Ay kawawa naman ‘tong batang ito. Kaya kumbaga nung araw nag-trending siya. Wala pa yung word na sinabi ko na binuhay niya ang katawang lupa ko. Kumbaga, ‘Ay, eto yung magsu-siomai na magaling,’” sabi pa niya.
Inamin din ni Ai-Ai na sinabi niya talaga noon na kapag natalo si Jovit ay tiyak na magwawala ang mga tao.
“Dahil nga sobrang sikat niya, yung mahal na mahal siya ng tao, kasi nga ang liit, magsu-siomai tapos ang galing-galing kaya feeling ko magwawala ang mga tao pag natalo siya,” pagre-recall ni Ai-Ai.
Jovit was only 29 years old nang pumanaw siya dahil sa aneurysm.
“Nalungkot nga ako, eh. Nalungkot ako. Hindi ako umiyak pero nalungkot ako at nanghinayang ako kasi ang bata pa niya… sayang,” bulalas ni Ai-Ai.
Pansamantalang umuwi ng Pilipinas si Ai-Ai para sa ilang showbiz commitments pero babalik din agad siya ng Amerika para doon mag-celebrate ng Pasko kasama ang asawang si Gerald Sibayan.
Paano ba nila ipagdiriwang ang Pasko sa US?
“Wala… ano lang kami, sisimba tapos kakain sa labas. Ganun ang Christmaas do’n, eh. Siyempre nami-miss ko yung Pasko dito sa atin.
“Kasi di ba pag December 25 nasa charity ako, yon ang Christmas ko dito, di ba? So, wala muna ako don. Pero marami din namang charity doon sa US,” kuwento ng komedyana.
Samantala, nakatakdang magkaroon ng concert si Ai-Ai kasama ang ex-partner na si Miguel Vera sa US on January 21, 2023. Ang title ng show ay Ang Dating Kami at ito ang magiging kauna-unahang pagsasama ng dating magkarelasyon sa isang stage.
More details about their “reunion” sa susunod naming artikulo sa PUSH about Ai-Ai.