EXCLUSIVE: Barbie Imperial maraming natutunan sa 2022, may Xmas wish sa ex-BF na si Diego Loyzaga

EXCLUSIVE: Barbie Imperial maraming natutunan sa 2022, may Xmas wish sa ex-BF na si Diego Loyzaga

Ibinahagi ni Barbie Imperial kung anu-ano ang mga natutunan niya ngayong 2022.

Kumusta na nga ba ngayon si Barbie Imperial pagkatapos niyang maging single mula nang mag-break sila ni Diego Loyzaga? Ano ba ang ini-expect niya sa taong 2023?

“How’s life? Wow, very good naman. I’m happy right now and very excited for 2023 because I’m doing three projects in January, March, and April from Mavx Productions, yon yung production na gumawa ng pelikula namin ni Carlo Aquino,” kuwento ng Star Magic artist sa exclusive interview ng PUSH during the storycon of her latest film na A Cup of Flavor.

Kasama ni Barbie na bibida sa A Cup of Flavor si JC Santos. Ang romantic drama movie na kasalukuyang nagsusyuting sa Atok, Benguet ay handog ng 3:16 Media Network mula sa direksyon ni Ma-An Asuncion Dagnalan na nanalong best director sa 2022 Cinemalaya Independent Film Festival para sa pelikulang Blue Room.

Ano ba ang assessment ni Barbie para sa taong 2022 pagdating sa kanyang personal life?

“I don’t say na bad year siya, though a lot has happened in 2022, grabe. First quarter pa lang ng 2022 laman na ako ng mga balita,” saad niya.

“Pero I think 2022 yung year na ang dami ko talagang natutunan. And it changed me a lot. Like hindi ako ganun ka-mature before, pero because of what happened this year mas mature ako.

“Mas kilala ko na rin yung sarili ko. Mas wise ako sa decisions. Mas love ko yung sarili ko. Before, I will always say na I love myself, ganito ganyan, pero hindi pala. Kulang pala yung sasabihin mo na mahal mo yung sarili mo don sa ramdam mo talaga na mahal mo yung sarili mo,” pagbabahagi ni Barbie.

Ayon pa kay Barbie, natutunan din niyang mas maging maingat sa pagpapakita ng affection at tiwala sa mga tao.

“Kasi before parang pag may affection from anyone like not just a guy and even friends parang okey na sa akin yon. Pero now, I’m very careful kasi even closes friend kaya kang traydurin kumbaga.

“Ang hirap mag-trust ngayon grabe. Kahit closest friend mo parang tutuklawin ka na lang bigla. So mas naging maingat ako sa mga tao na I surround myself with,” sambit niya.

Hindi naman itinanggi ng aktres na trinaydor na rin siya dati. Hindi nga lang siya nagbigay ng detalye kung kaibigan niya ba o dating karelasyon ang gumawa nito sa kanya.

“Yeah. Yes. Oo. Na-betray, yes,” pagtatapat niya. “I think for me mas painful yung betrayal from your friend or yung close friend kesa sa boyfriend.

“Kasi parang if kaibigan mo binetray ka parang ipinagkatiwala mo sa kanya kung anuman yon tapos may gagawin siya para i-betray ka mas masakit and more painful yon for me. Pero ganun talaga ang life kaya move on na lang,” she said.

Samantala, kahit walang boyfriend si Barbie ay hindi raw naman nangangahulugan na malamig din ang kanyang Pasko this year.

Aniya, “Hindi naman siya malamig kasi siyempre I have my family naman. And yon naman ang importante lalo sa akin. Basta nandiyan yung mom ko and my brother okey na yung Christmas ko.”

Meron ba siyang Christmas wish para sa ex-boyfriend?

“Wala naman na parang iwi-wish ko talaga but I just want him to be happy, healthy and sana lahat ng dreams niya matupad.

“Pareho na kaming happy ngayon sa kanya-kanyang buhay namin and kung anuman yung nangyayari sa life niya ngayon walang bitterness kasi siyempre naging part siya ng life ko. I’m happy for him,” huling pahayag ni Barbie sa PUSH.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *