EXCLUSIVE: Jolina Magdangal is ready for baby No. 3: ‘Sana nga kambal para dalawa agad!’
Jolina Magdangal shared what she looks forward to doing the most in 2023 with her husband Mark Escueta and kids Pele and Vika.
Jolina Magdangal can’t wait to have baby No. 3!
Looking back on the past year, Jolina Magdangal shared she was lucky to be able to share more happy memories with her family instead of going through challenges in life.
“Kung sa iba naging blur ‘yung 2022 or naging hindi masyadong stable, sa amin linagay namin siya at nakikita namin siya as ibang meaning, mas naging malalim ‘yung meaning para sa amin dahil sa mga anak namin at saka para rin sa aming mag-asawa.
Para sa akin napaka-meaningful lalo na para sa aming mag-asawa ;yung 2022 kasi ‘yun ‘yung meron kumbaga kaming pinaglaban mag-asawa,” she told PUSH in an exclusive interview.
“Tumindig kami para sa mga anak namin and naging makabuluhan para sa amin yun kasi nakasama namin sila. Alam namin, in a way, kahit hindi nila sabihin, pag nakikita namin sila, may naitanim kami sa kanilang puso at isip nila. And hinding-hindi talaga namin makakalimutan yung 2022 bilang family na magkasama, na halos araw araw may natututunan sa isa’t isa,” she added.
Jolina said she is proud of how intelligent and understanding her two children are when it comes to learning new things.
“Kasi hindi lang kami ‘yung nagsasabi sa kanila. Pag nakikita namin ‘yung reaction nila, kung paano sila nag-re-respond sa mga sinasabi or nakikita nila, natututo rin kami na, ‘Ah ganito pala pag sa bata, ganito pala ang tingin nila na parang ganun,’ she added.
Now that her son Pele is eight years old and her daughter Vika four, Jolina admitted she and husband Mark Escueta are ready for baby number three.
“Ay sana nga (laughs). Well, nasa plan pero para sa akin, kung anong ibigay ni papa Jesus sa amin, happing happy kami. Parang ang hirap kasing humingi pa eh ang daming blessing na binibinigay na parang nahiya na ako. Pero kung sakali lang naman po, parang ganun,” she admitted.
She continued: “If ever, sana nga kambal para dalawa agad (laughs). Pero wala kaming lahi. Kahit ano. Kahit ano talaga, boy and girl, okay na okay ako dhail na-experience ko ng mag-alaga ng boy at na-experience ko na mag-alaga ng girl. Basta pinag-pe-pray ko na sana pa rin ibigay pero kung hindi, okay na okay lang.”
Aside from enjoying more camping experience with her brood, Jolina also shared what she looks forward to doing with them in the near future.
“More biking kasi ‘yun rin ‘yung parang naging bonding namin nung family. Pero parang ang sabi rin namin ng asawa ko, since ‘yung anak kong bulilit ay nakakatanda na talaga, tapos si Pele ay eight na. Parang gusto namin na i-plan yung next year na sa bawat occasion ng aming kaarawan, parang gusto namin mag-travel,” she explained.
“Parang inipon namin ‘yun ng ilang taon din. Kasi parang sabi nga namin, mas magandang regalo kesa sa gamit ‘yung experience ng traveling and learning sa mga places na mapupuntahan,” she added.
The bubbly Magandang Buhay host also hinted at what fans can look forward to from her starting next month.
“Sa 2023 parang may mga pinaplano-planong mga naudlot din ng 2022 like siguro sa social media, ‘yung mga ganyan. But, ayoko pa rin mag-promise kasi ang daling sabihin pero pag nandun na ang hirap. Pero hopefully, ma-put into place. Kasi ito ring 2022, ito rin ‘yung na-test kami na sobra kaming naging hands-on. To the point na ‘yung pagiging hands on ay talagang hands on, ‘yung walang helper, ‘yung ganun,” she said.
“So, hopefully mapunta na talaga sa lugar ang next year at magawa na ‘yung mga hindi nagawa nung 2022 dahil nag-adjust doon sa sitwasyon na ganun. Planning to do more stuff para may abangan ‘yung mga sumusubaybay mula noon hanggang ngayon,” she added.