Jodi Sta. Maria, binalikan ang pinagdaanang pagsubok sa karera
Inalala ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria ang pagsubok na pinagdaanan niya sa karera matapos niyang umalis ng showbiz noong 2005.
Inalala ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria ang pagsubok na pinagdaanan niya sa karera matapos niyang umalis ng showbiz noong 2005.
Sa PUSH Bets Live, ikinwento ni Jodi ang tungkol sa kanyang pag-alis sa Pilipinas para manirahan sa ibang bansa at mag-focus sa pagbuo ng sarili niyang pamilya.
“In 2005, I left for the States because I wanted to start my own family. And during that time, ABS-CBN was kind of building me up for, you know… to be the next host, to have my own teleserye, ganyan. But siyempre, pinili ko ‘yung having a life in the States kesa sa buhay ko sa show business. So parang na-put on hold lahat,” ani Jodi.
Ngunit ayon sa aktres, matapos lamang ang isang taon ay bumalik din siya ng bansa para ipagpatuloy ang kanyang karera sa showbiz.
“When things didn’t work out for me in the States, I went back in 2006 and I told ABS-CBN na I’m back. ‘Yung mga projects and mga offers before baka pwedeng gawin ko na. [But] then they told me na it doesn’t work that way. You have to re-establish yourself,” kwento ni Jodi.
“So it’s like starting from scratch. Kumbaga ‘yung spot na iniwanan mo, someone will always be willing to replace you. And wala naman talagang indispensable sa industriyang ‘to. So I had to re-establish myself.
“That moment for me — my life in the States and when I got back — was so humbling because I realized na I needed that to happen,” patuloy pa niya. “Because I think na-prepare na sobra ‘yung heart ko for what was to come. I didn’t know that Be Careful With My Heart was coming. And that time of waiting was so crucial. It was a crucial period.”
Kamakailan lamang ay nanalo bilang best actress si Jodi sa 2022 Asian Academy Creative Awards para sa kanyang role sa sikat na teleserye na The Broken Marriage Vow.
“I think ‘yung mga ganitong award-giving bodies binibigyan tayo ng exposure, and ‘yung pagkakaroon ng exposure na ‘yun, nag-o-open ng opportunities para sa ating talents,” ani Jodi sa kanyang pagkapanalo.
“Sa talento, talagang kayang kaya makipagsabayan ng mga Pinoy pagdating sa creativity, pagdating sa konsepto, hindi talaga tayo magpapahuli diyan.”
Ayon pa sa aktres, alay niya ang kanyang tagumpay sa ABS-CBN at pamilya na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa kanya. Higit sa lahat, sa kanyang nag-iisang anak niya na si Thirdy.
“This might be the best thing that happened to me this year, but si Thirdy, he’s the best that happened in my life,” ani Jodi.
Samantala, nagbigay naman ng mensahe si Jodi para sa mga kapwa niyang artista na umiidolo at tumitingala sa kanya.
“Never stop dreaming. Dream big. And when that dream finally happens, ‘wag na ‘wag niyong kakalimutan kung sino ‘yung mga tao na tumulong na maghatid sa inyo kung saan kayo napunta,” aniya.
“‘Wag kakalimutan na magbaon ng pasensya at pakikisama because napaka-importante ‘yun sa industriya na ginagalawan natin. Finally, it’s okay to let go and let God take the way kasi alam Niya ‘yung plans Niya para sa buhay ninyo.”
Nag-guest si Jodi sa Push Best Live para i-promote ang kanyang pelikulang Labyu With An Accent kasama si Coco Martin. Ang nasabing pelikula ay isa sa mga official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.