Ian Veneracion, hinikayat na suportahan ang MMFF upang maabot ang ₱500 million na target

Ian Veneracion, hinikayat na suportahan ang MMFF upang maabot ang ₱500 million na target

Sinabi ni Ian Veneracion na iba pa ring klaseng karanasan ang makukuha sa panonood sa mga sinehan.

Umaasa ang aktor na si Ian Veneracion na susuportahan ng mga manonood ang Metro Manila Film Festival (MMFF) upang maabot ang target na kalahating bilyong piso ngayong taon.

Sa panayam ni Ian kay MJ Marfori ng News5, hindi itinaggi ni Ian na kita ang pagsuporta ng mga Pinoy sa mga pelikulang gawa ng ibang bansa gaya ng South Korea at Estados Unidos.

Ani Ian, walang masama rito ngunit umaasa siya na suportahan din ng mga Pilipino ang mga pelikulang gawang lokal lalo na ang mga kalahok sa MMFF ngayong taon.

“Alam ko na during the pandemic na-expose tayong lahat sa iba’t-ibang movies — from international like Korean, Hollywood movies ganyan. That’s all good. Pero sana ‘wag nating pabayaan ang local film industry naten,” ani Ian.

Ayon kay Ian, iba pa ring klaseng karanasan na dulot ng panonood ng mga pelikula sa sinehan kaysa sa panonood lamang sa bahay.

“And ibang-iba [na] experience kasi ‘yung nasa sinehan ka eh. Kahit ako — kahit ano’ng setup mo sa bahay, mayrong tatawag, may kakatok, may tatahol na aso — maraming distractions. Pero ‘pag nasa sinehan ka, pumapasok ka sa mundo nang mga nagkikwento. And iba talaga ‘yun. Malayo kesa manood lang tayo sa mga phone naten or sa tablet,” saad ni Ian.

Sa huli, muli niyang hinikayat ang mga manonood na suportahan ang mga pelikulang ipapalabas sa mga sinehan simula ngayong ika-25 ng Disyembre.

“So sana, pumunta sila sa mga actual theaters at ma-enjoy talaga nila ‘yung mga kwento, ‘yung mga istorya ng mga storytellers,” ani Ian.

Panoorin ang panayam kay Ian sa ibaba:

Bida si Ian sa pelikulang Nananahimik ang Gabi kung saan kasama niya ang young actress na si Heaven Peralejo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *