Janine Gutierrez, sinagot ang tanong kung buntis siya

Janine Gutierrez, sinagot ang tanong kung buntis siya

Sinagot ni Janine Gutierrez ang tanong ng isang netizen kung buntis ba siya.

Sinagot ni Janine Gutierrez ang tanong ng isang netizen kung buntis ba siya.

Sa Instagram, nag-post ng ilang retrato si Janine kuha mula sa ABS-CBN Christmas Special kung saan nakasuot siya ng body-fitting na gown habang kasama si Paulo Avelino.

Komento ng isang netizen: “[Preggy] ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo?”

Paliwanag ng aktres, “PMS (post menstrual syndrome) bloat actually and I’ve been holiday eating since wala pang taping.

“It’s okay to enjoy the off season. Diet na ulit after Christmas. Sana masarap din kain mo this December.”

(Dahil sa PMS bloat at nae-enjoy ko kumain ngayong holidays dahil wala pang taping. Okay lang na ma-enjoy ang off-season. Diet na ulit pagkatapos ng Pasko. Sana masarp din kain mo ngayong Disyembre.)

Nakatakdang bumida si Janine, 33, sa inaabangang ABS-CBN teleserye na Dirty Linen.

Makakasama niya sa serye sina Zanjoe Marudo, Francine Diaz, at Seth Fedelin. Tampok din sina John Arcilla, Janice de Belen, Angel Aquino, at ang award-winning actress na si Dolly de Leon.

Mapapanood ang Dirty Linen sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z at TV5 itong Enero. Available din ito sa iWantTFC at TFC Channel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *