Misis ni Andrew Schimmer pumanaw na
Andrew Schimmer, ikinuwento ang mga huling sandali ng kanyang asawa.
Pumanaw na ang misis ni Andrew Schimmer na si Jho Rovero makalipas ang mahigit isang taong pakikipaglaban nito sa sakit.
Si Andrew mismo ang nag-anunsyo tungkol sa malungkot na balitang ito sa kanyang Facebook page nitong Martes, December 20.
“The Love of my Life…my wife…my best friend.. my partner in everything. Remember your promise, together forever [broken heart emoji],” lahad ni Andrew sa kanyang FB post kasama ang photo nila ng misis na magkahawak kamay mga kamay habang suot ang dapat sana’y wedding rings nila.
Nag-post din ng mga videos ang aktor kung saan idinetalye niya ang naging pamamalaam ng kanyang asawa.
Magte-taping sana ang aktor para isang show nang tawagan siya ng mga doctor ng kanyang misis sa St. Luke’s Hospital.
“Tinawagan ako ng mga doctors n’ya dito sa St. Luke’s [Medical Center]. Biglang nawala ang kanyang BP [blood pressure] and everything. Nawala lahat pati oxygen saturation n’ya,” salaysalay ni Andrew sa video na pinipilit maging kalmado.
Kaagad daw s’yang nagpaalam sa production para pumunta sa ospital.
“Nagpaalam ako sa production. Pasensya na at hindi ko talaga natuloy yung taping dahil kinakailangan ko pong tumakbo dito,” saad niya.
“Kasi nga po nag-desat [desaturation of oxygen] ang aking asawa kanina. Nag-desat ang kanyang oxygen saturation, and blood pressure, and heart rate.
“Dali-dali naman tayong dumating dito. Inabutan natin siyang, actually, nire-revive ng ating mga doctors and nurses. They did everything they could. Masakit lang. Gusto ko lang ibalita sa inyo. ’Yon lang,” dugtong pa niya.
Sa mga sumunod na kuwento ay hindi na niya nakontrol pa ni Andrew ang kanyang emosyon at tuluyan na siyang napaiyak.
“Guys, maraming maraming maraming salamat. Sa mga nagdasal, sa mga taong hindi nang-iwan sa amin. Thank you. Thank you,” saa niya.
Sumakto naman na kaarawan ng bunsong anak nila ang pagkamatay ng kanyang asawa.
Bulalas ni Andrew, “Ang sakit lang kasi birthday ng bunso namin mamaya. Hindi s’ya inabutan ng bunso namin.”
Ipinakita rin ni Andrew sa video ang misis n’yang nakahiga at wala nang buhay. Makikita ring magkahawak-kamay pa rin sila.
“Ito siya ngayon. Wala ng buhay yung kamay niya. Ipakita ko siya sa inyo one last time. Ito ang ating sleeping beauty. Iniwan na niya tayo, mga kapatid,” umiiyak niyang pahayag.
“Mommy… Mahal na mahal ka namin, love ko. Para ’to sa mga followers mo. Para ’to sa mga nagdadasal para sa’yo nang paulit-ulit. Hindi sila tumigil,” patuloy pa niya.
Samantala, wala pang ibinigay na detalye si Andrew sa magiging lamay at libing ni Jho pero sinabi n’yang magiging bukas umano ito sa publiko.
“Wag kayo mag-alala, mga kapatid. Lahat kayo bibigyan ko ng pagkakataong makita siya. You deserve to see her. Iyon lang po muna. Thank you,” huling sabi ni Andrew.