Agsunta band nakipag-collab kina Honcho at Gloc-9 para sa ‘Sabi Nila’

Agsunta band nakipag-collab kina Honcho at Gloc-9 para sa ‘Sabi Nila’

Natupad na ang pangarap ng Agsunta na makatrabaho si Gloc-9.

Nakipag-collab ang Star Music recording artist na Agsunta band sa singer-song writer na si Mark Ezekiel Maglasang na kilala bilang Honcho at sa tinaguriang Makata ng Pinas na si Gloc-9. Ito ay para sa kantang “Sabi Nila” na ipinapakita kung ano nangyayari sa mundo ngayon in the midst of all the noise on social media including the bashing and the negativity.

Ano ba ang kaibahan ng collab ng Agsunta ngayon with Gloc-9?

“This time siguro talagang mas nahinog na nang todo ‘yung kanta and ‘yung pagka-gel ng banda. Seasoned by the years we’ve been doing this, mas gets na namin ‘yung gsto namin na tunog,” paliwanag ng grupo.

“Looking back nung naguumpisa palang kami, si Sir Gloc, isa sa mga kauna-unahan din naming nakatrabaho at nakasama sa mga shows / events at sa isang kanta niya sa Rotonda album way back 2017,” dagdag pa ng grupo.

Pagpapatuloy pa nila: “Siguro ang pinaka-kaibahan now is ‘yung strong bond na meron na kami with Sir Gloc dahil matagal-tagal na ring nagkakasama at nakakasabay sa mga gigs from doing live shows to doing collabs sa aming YouTube channel.”

“Talagang masasabi namin na sobrang kakaiba nito. And actually, this is one of our dream collaborations talaga,” saad pa ng grupo.

Diin pa nila: “At siyempre, ‘yung message nung kanta — we think na Sir Gloc really dropped the bomb in this track. Dahil nga ‘yung message ng kanta is to encourage people who are somehow swayed by the noise of the world kahit gaano pa kahirap yung journey na tatahakin mo.”

Inamin din ng banda na isa si Gloc-9 sa naging inspirasyon nila sa music industry.

Pagdedeklara nila: “Para sa amin, si Sir Gloc ang pinakamalupit na example ng journey na talagang hindi umatras at lumaban lang nang lumaban sa buhay. Siyempre, the one and only makata sa Pinas ang makakapag pull off ng bars na talaga namang tagos na tagos hanggang buto!”

Kumusta naman ang Agsunta nitong nakaraang pandemic?

“Been through a lot but it made stronger, made us mature, and made us find the strength and weaknesses of each other na somehow naging work around namin,” anila.

“Imbes na maging negative sa mga nangyayari, we found a way na punan ‘yung mga pagkukulang ng bawat isa gamit ‘yung lakas naman ng isa. So, all in all, masasabi namin na we all good, and actually even better, way better than before,” saad pa nila.

“Kasi now, mas gets na namin ang isa’t isa and the hardships we’ve been through during the pandemic made us dream more and made us fire up again sa aming mga gustong abutin pa in the future. It made us look beyond what our eyes can see,” dagdag pa ng grupo.

“Now we are super inspired, on fire and ready to get our goals one step at a time while siyempre enjoying what we have — the friendship, the music, and of course, our PPL management na siyang tumayong ilaw sa napakadilim na pinagdaanan namin during this pandemic,” pahayag ng Agsunta.

Ano ba ang mga plano at nilu-look forward nila ngayong 2023.

Tugon nila: “We want to up our game now, since we’ve been doing this for almost half a decade. Siguro it’s time for us to go out of the box, ‘yung risk na willing kaming tahakin dahil sama-sama kami at yung risk na yon is to really focus now on doing our original music.”

“Madami-dami din kasi kaming nagawang mga kanta during the pandemic and since we grew older na rin we think that it’s time to re-create and re-brand the agsunta that people knew. We’re not saying na mawawala na yung aming mga #AgsuntaSongRequests and #AgsuntaJamSessions but our focus talaga for now is doing our originals and makapag-release ng mga music videos na talaga namang tumatagos sa puso ng aming mga listeners / viewers,” dagdag pa ng grupo.

“Like this track that we just released with Honcho and the legendary sir Gloc-9, medyo pupunta kami siguro sa tunog na may influence somehow ng hiphop and ‘yung mga beats. We’re trying to mix it up for a whole new sound na siyempre may tatak Agsunta pa rin,” ayon pa sa kanila,” pagtatapos nila.

Ilan sa ipinagmamalaking kanta and collaboration ng Agsunta ay ang “Sa Huling Pagkikita,” “Ms Toyo,” “Ang Tinatagong Pag-ibig,” “Ngayong Wala Ka Na,” “Paano Nga Ba Maging Masaya,” “Dinakita,” Sabi Nila,” at “”Kahit Kunwari Man Lang.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *