Andrew Schimmer, nagdadalamhati pa rin sa pagpanaw ng kanyang misis
Andrew Schimmer: ‘Love without hesitation and without reason’
Nagdadalamhati pa rin hanggang ngayon ang aktor na si Andrew Schimmer dahil sa pagpanaw ng kanyang misis na si Jho Rovero.
Nitong Linggo, Araw mismo ng Pasko ay muling nagbahagi ng kanyang nararamdaman sa Facebook si Andrew tanda ng labis na pangungulila sa yumaong asawa.
Aniya, “I miss you my Love… Hindi ko na alam kung pano ko to dadalhin sa puso ko. You are my Life. Plsssss.
“If this is a dream, wake me up! I’m dying. Uwi ka na po mami please. I will wait. I will always wait.”
Pagpapatuloy pa niya, “Few days ago, my HEART left my body when the love of my life left Her body.”
Nagbigay din ng paalala si Andrew sa publiko na hindi dapat mag-aaksaya ng oras na iparamdam ang pagmamahal sa mga taong mahahalaga sa kanilang buhay.
“ADVICE: don’t waste a single day without you telling your loved ones how much you love them, for we do not know what can happen to us when our time comes.
“Don’t waste your time on arguments or silly small talks, if you’re in love with someone, make sure that person knows how much you love them, make them feel every single bit of your heart,” sabi pa ni Andrew.
“Don’t hesitate to hug somebody, for we do not know when we can hug that person again,” advice pa niya.
Ayon pa sa kanya, ang pinakamasakit daw sa lahat ay ang makaramdam ng pagsisisi na hindi mo nagawang ibigay ang lahat sa taon pinakamamahal mo.
“REGRET is the most painful thing that you can experience in this life. So please don’t let EGO dictate the will of your HEART.
“Love without hesitation and without reason… be silly, be in love, be inspired of this love… do everything and anything that will make you and your love ones happy,” pahayag pa ni Andrew.
Pag-amin pa niya, handa niya raw isuko ang lahat para lang makita, mayakap, at muling makasama lang muli ang kanyang yumaong asawa.
“Kung ang mahal mo sa buhay ay katabi mo pa ngayon kapatid, yakapin mo sila ng mahigpit, Hindi mo kailangan ng dahilan para gawin ito, sapat ng dahilan ang mahal mo sha. iparamdam mo ‘tol sa kanya na sha ang buhay at mundo mo, na sha ang Reyna ng kaharian ng puso mo, na para sayo sha ang pinaka magaling, pinaka maganda at pinaka importante sa lahat,” saad pa ni Andrew.
Dagdag ulit niya, “Gawin mo na ang lahat para sa kanya HANGGAT KAYA AT PWEDE NYA iTONG MARAMDAMAN. Give everything and anything for love, and you will never regret it.”
Matatandaang nitong December 20 nang tuluyan nang pumanaw si Jho Rovero matapos ang dalawang taong pakikipaglaban nito sa isang malubhang karamdaman.