TINGNAN: Melai Cantiveros, niregaluhan ng diamond ring ni Jason Francisco

TINGNAN: Melai Cantiveros, niregaluhan ng diamond ring ni Jason Francisco

Bongga ang naging regalo ni Jason Francisco para sa kanyang misis na si Melai Cantiveros ngayong Pasko.

Bongga ang naging regalo ni Jason Francisco para sa kanyang misis na si Melai Cantiveros ngayong Pasko.

Sa Instagram nitong Martes (December 27), ibinida ni Melai ang diamond ring na natanggap niya mula sa mister bilang Christmas gift.

“Thank you Papang sa iyung Christmas Gift. love u to the moon , roadtrip , broom broom , skert skert , zoom zoom,” ani Melai sa kanyang caption.

Nito lamang buwan nang ipinagdiwang nina Melai at Jason ang kanilang 9th wedding anniversary.

Sa kanyang espesyal na mensahe para kay Jason, inihayag ng Magandang Buhay host ang kanyang pagmamahal para sa aktor.

“9 years of loving and hating. 9 years of accepting and blocking each other. 9 yeaars of receiving and giving. 9 years of keeping the faith and losing the faith to each other. 9 years of trusting and doubting each other,” ani Melai.

“Happy 9 yrs Wedding Anniv Papa Nuggets . Kahit minsan di mu ko MaGets love na love padn kita wanggets Love u with our Nuggets, Ate Nuggets and Baby Nuggets.”

Matatandaang unang nagkakilala ang dalawa sa sikat na reality show na Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009.

Ikinasal sila noong Disyembre 2013 sa General Santos City at sa ngayon ay dalawa na ang kanilang anak – sina Amelia Lucille at Stela Rosalind.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *